Isa sa Paborito Kong Almusalin sa Umaga ay Fried Rice na may kapares na Scrambled Egg with Bits of Sardines

Usapang almusal na naman tayo, lol, bakit hind pag uusapan diba? Kung masarap naman ang topic, ay siya push! Lol.

Topic: I share mo naman ang iyong paboritong almusal! Isang larawan lang

IMG_20240613_141252.jpg

Isa lang to actually sa paborito kong almusalin. And oo, maka rice pa rin iz meeeee, lol. Sa totoo lang, iba talaga ang dating nang kanin diba. Kahit plain lang yan, kahit anong ulam, babagayan nya. O kaya para mas masarap, e-fry then lahukan nang pampalasa. The best ang knorr cubes for me na pampalasa, no salt needed na. Keriboom na yan. Tapos isangag sa maraming bawang, aguy ah. Amoy palang mandin ay kakalam na sikmura mo, lol.

So ito na nga, isa sa favorite kong almusalin ay ang fried rice with scrambled egg. If meron kang sardinas na tira kagabi, mas better, ilahok na din sa scrambled egg. Na try nyo ba yon? Tapos may bawang at sibuyas, gisa nang kunti, them ilagay na si scrambled egg kasabay nang mashed sardines. Wag yong sobrang durog, dapat yong may malalaking bits of sardines pa rin. Aruyyy, kagana na nang lamon kapag ganire. Isa ito sa makasalanan na ulam sa umagahan dahil mapaparami ka nang fried rice, lolol.

Tapos may kape, at sya super balance mandin, may maalat at matamis, haha. Ganito pa naman ang bet ko kada ako kakain, dapat kapag may salty food, dapat may sweet din. Para di naman makakaumay ba. And ang kape, ang isa sa perfect na e pares sa mga yan. Mapa fried rice or pandesal, perfect yang kape. Dati di naman talaga ako mahilig sa kape ee, mas bet ko ang gatas o kaya chocolate drinks, tulad nang Milo-ga. Nahilig lang ako sa kape dahil nakaka adik ang lasa, tunay na nakaka adik nga talaga, lol.

Pero teka, bago ko e-end kong kadaldalan ko, gusto ko lang e-share ko gaano ka special ang aking featured fried rice dito, lol. Wala lang, gusto ko lang e-flex ba, lol. (Sowwy na Tipeyyyyyyy, more than one photo kasi nakayanan ko ay, lolol ~) So ito na nga, may natira din kasi kami kagabi na meat loaf, and sa totoo lang, tong si Argentina Meat Loaf, gulpi nang alat, bat ganon! Paborito pa naman kita! At dahil maalat, naisipan kong ilahok nalang sa sinangag, hiniwa ko lang ng ganito kaliliit.

Ay lalo manding gumana ang kainan kinaumagahan. Ganang, gana ay, halos maubos ang kanin, lol. Kaya suggestion ko lang, huway nyo na tong gagawin, if ayaw nyong mabuntis nang kanin, lololol.

Yon lang, bye bye! UwU




0
0
0.000
21 comments
avatar
(Edited)

Halos Yan every morning niluluto ko at fave din ni eldest yern. Pero yung sardinas na ihalo, di ko pa natry. Hotdog at eggs lng usually hinahalo ko. Happy tummy with kape din.

0
0
0.000
avatar

Hello dear friend @ruffatotmeee good morning
Your breakfast looks very exquisite, I'm not surprised it's one of your favorites
hope you enjoy it a lot

0
0
0.000
avatar

Thank youuu 😊😊✨. I enjoyed it a lot when I eat it, hehe

0
0
0.000
avatar

Rodel Catajay, aka guruvaj, ay active curator ng HIVE at mga communities nito.
——————————
Suportahan nyo po ako, FOLLOW my fb acct, https://facebook.com/rmcatajay
LIKE and watch my videos and reels hanggang huli and share it to your friends.
Maraming salamat po👨‍🏫

0
0
0.000
avatar

Ang sarap naman sa umaga niyan ate :) Samahan pa ng masarap na kape. ;)

0
0
0.000