Fears In Love: Part 1 of 15 (Crabby)
Brielle’s POV
It's already 12:00 in the afternoon, the vice president and his staffs went to eat their lunch while I'm here, busy with my own business. I'm checking some papers that Mr. Dwayne Alfie Velasco, the vice president had given me earlier, I also got busy in typing his new schedule for tomorrow.
For what I have written, there are two appointments in the morning with his old friend and the other one is his investor. For the afternoon, he’s going to have a meeting with the chairman, and the directors.
“Yeah I heard that your dad and step mom were back?” Mr. Dwayne’s voice echoed inside our office. Nasulyapan kong papasok na sila dito sa opisina. Kaya inabala ko ang sarili sa pagtitipa.
“Yep. Nag enjoy naman sila sa abroad. Timely naman kasi kailangan ni dad ang malayo muna sa stress.” ani ng isang matipunong lalaki na kasabay ni Sir Dwayne.
“It’s good to hear na nag enjoy sila.” napatigil si si Sir noong tumingin siya sa direction ko. “Oh! Hindi ka pa nag lunch?” tanong niya kahit halata namang hindi pa.
Ngumiti nalang ako bilang sagot “It’s okay Mr. Vice President. Hindi naman po ako gutom.”
“Okay, you say so.” naglakad na siya papuntang table niya. Magkaharap lang kami ng table ni Sir Dwayne/Mr. Vice President pero mas malaki ang table niya kasi mas madaming papel doon.
Naupo na din ang bisita sa sofa, sa may gilid kaya kitang kita ko siya.
“So as I was saying earlier, Zac, hindi pa ganon kalaki ang kompanya namin para magkaroon ng branch sa ibang bansa. Maybe after two years pa.”
“Ang sabihin mo, handa na ang kompanya, ikaw lang ang hindi.” natatawang ani noong bisita.
“Tsss. Kahit ready ako, desisyon parin ng Chairman and President ang masusunod. Pero kung talagang gustuhin nila, I refuse to go abroad. Maybe my brother will go, I'm staying here.” sabi naman ni Mr. Vice President.
Maingay kung mag usap ang dalawa. Parang dadalawa lang naman sila dito sa office.
“Ah? My apologies, Sir and Mr. Vice President but you're distracting my works.” napatayo ako naihampas ang dalawang kamay sa mesa, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat ay disturbance.
“Oooww?” napatakip sa bibig ang lalaking bisita habang nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Mr. Vice President. “I’m sorry but...are you his secretary?” tanong niya sakin, halata naman. Office ito ng Vice President with his secretary and obviously I'm sitting here so ako nga.
“I didn't know na malakas pala ang loob ng secretary mo, Dwayne Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi niya at napatitig sa akin. “Sandali?” sandali siyang natigilan at lumapit sa akin hanggang sa mas malapit na ang mukha niya sa akin “...Nagkita na ba tayo dati?” aniya habang pinag aaralan ang kabuuan ng mukha ko.
Umirap ako at padabog na umupo. Ipinagpatuloy ko ang pagtitipa ng hindi siya pinapansin.
“So that's right Dwayne. Hintayin mo siya, hanggang sa maging kalansay ka na HAH! HA! HA!” natatawa na naman iyong lalaki pero kunot noo at nakanguso si Mr. Vice President.
“You think so? After what happened.” lumaylay ang balikat ni Mr. Vice President habang nakikipag usap kay Sir Zac ata name non?
“Well, she doesn't know everything. But time will fly, feelings as well. But if time comes and you’ll see each other again, then you can tell her everything, sa ngayon hayaan mo muna siya. She will be back for sure, her family are here as you said.”
Now I need to interrupt their nonsense topic. Yeah nonsense talaga sapagkat pag-ibig ang topic nila. Which I hate, really hate.
Magmula kasi noong iniwan ni mama si papa at noong iniwan si Hyanich ng lalaking mahal niya, doon ko nalang naramdaman ang takot na magmahal.
Natatakot akong maging kagaya ni papa na laging wala sa wisyo, malungkot at muntik ng mabaliw.
Nakita ko kong paano nasaktan ang pinsan kong si Nich dahil sa isang lalaking mahal niya’y may fiancee naman pala!
Kahit hindi mismo ako ang nasa sitwasyon nila, ramdam ko ang sakit na pinagdaanan nila.
And that was the beginning of why I fear in love.
“Mr. Vice President, your meeting with your client will be in 1:30 pm. Thirty minutes more Mr. Vice President.” pag papaalala ko. At tumalikod sa kanya, bibili sana ako ng coffee.
“I didn't know, you hired that crabby secretary.” sandali akong napatigil sa sinabi ng lalaking iyon. Ano? Tinawag niya akong crabby?! “Sinong boss sa inyo? Ikaw o siya?” dagdag pa niya at napatawa nalang si Mr. Vice President.
Napangiwi nalang akong lumabas ng opisina, sinama ko si Laila at nagtungo kami sa pinakamalapit na coffee shop. Isang brewed coffee at special ensaymada lang ang kinain ko.
“Hmft, buti nalang at mabait si Sir Dwayne no. Hindi siya kagaya ng ibang boss na napakasungit!” sabi ni Laila habang nagkakape.
“Kaya nga haha. Nakakainis lang yung kaibigan niya kaninang pumasok sa office. Tinawag niya akong Crabby Secretary!”
“HAHAHA e sa mukha kang masungit, ay masungit ka naman talaga at may pagka bossy ka.”
“Pfft, ganun talaga. Masungit din si papa e, kaya hindi ako lumaking malambing haha.”
“Hmm, sabagay. May balita ka na ba kay mama mo?”
Sandali akong natigil sa tanong niya.
Ang alam ko lang ay sumama sa ibang lalaki si mama noong 7 years old ako. Iniwan niya ako at lumaki sa poder ni papa. May picture naman siya sa bahay kaya alam ko ang itsura niya.
“S-sorry.” aniya.
“It’s okay.” I sighed. “Wala akong balita pero alam kong masaya siya ngayon.” pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay napakasakit ang iwanan ng isang magulang.
I lived my life with my father, aunties and uncles, buti na lang meron pa si Nich noon.
Natapos na kami sa pag kakape at naisipan na naming pumasok, pero pinauna ako ni Laila dahil may sisiputin daw saglit. Pabalik na sana ako sa loob ng building nang may nahagip ang paningin ko.
“Seems like her...” wala sa sariling naiusal ko habang inililibot ang paningin. Sinundan ko ng tingin ang kaninang kinaroroonan niya pero hindi ko na ito makita pa.
“Hey crabby secretary.” napahawak ako sa dibdib noong tawagin ako ng lalaking iyon, si Zac. “Sinong tinitignan mo diyan? Kanina ka pa hinihintay ng boss mo, a.” nagmamadali kong tinignan ang relos ko at 10 minutes na lang ay meeting na nila sir. Dali dali akong napatakbo at pinindot ang 17th floor noong nakapasok na ako sa elevator.
“Where did you go? I'm getting late and I need you there.” pambungad sakin ni Mr. Vice President. Hindi niya naman kailangan sabihin yun, alam ko naman ang oras ko at lagi ko siyang nakakasama sa mga meetings.
“Okay Mr. Vice President.” sabi ko at kinuha ko na ang notes at Ipad ko sa table. Natataranta akong sumunod kay Mr. Vice President.
Hindi maalis sa utak ko ang babaeng iyon. She looks classy and a bit younger with her beige dress. Hindi ako sure pero nararamdaman kong siya yun.
Napairap nalang ako sa kawalan at wala sa sariling niyakap ang notes at Ipad habang padabog naglalakad.
Tss, magtago ka at magtatagpo din tayo.
“Array!” napahawak ako sa noo ko ramdam kong tumama ako sa likod ng isang lalaki. “Ano ba Mr. Vice President? Bat ka tumigil?” angil ko dito.
Pero sa halip na sumagot...“Anong nangyayari sayo at wala ka sa sarili mo? Kailangan mong mag focus, you’ll gonna write all down those important details. This is an important meeting, don't you remember?”
“Yes sir.“ sagot ko at pumasok na sa room kung saan magaganap ang meeting.
Ngunit kahit anong gawin ko, puno parin ng tanong ang utak ko.
“Yes Chairman, I agree with you. We need some models to represent our products in abroad.” sabi ng isang manager.
“I suggest Gaira, the famous model from Cebu.” si Mr. President. Aeron, kapatid ni Sir Dwayne.
Tumagal ng isa’t kalahating oras na meeting pero wala akong naintindihan. Magaling naman si Mr. Vice President kaya saulo na niya siguro yun.
Wala na akong masyadong ginagawa dito, natapos ko na kaninang lunch nila.
“Oh,” may coffee na inilapag si Mr. Vice President sa table ko. “You look pale. Kanina ka pa, hindi ako sanay.” napabuntong hininga siya bago ulit nagsalita. “You know, if you're broken, the best way to forget it is to drink.” napanganga nalang akong humarap sa kanya at umirap.
“Tsk haha” bahagya akong natawa “Sir, kapag broken kayo, huwag mo akong idamay. Hindi naman ako mukhang ganoon.”
“Well, just saying. I won’t mind if you’ll come with me later.” aniya sabay tungo sa swivel chair niya. Nakade kwatro at hawak ng kanyang hintuturo ang kanyang sentido habang ang hinlalaki niya’y naka hawak sa kanyang labi na para bang kay lalim ng iniisip niya habang nakaupo.
“Don’t look at me like that, you're distracting what I'm thinking.”
“HAHAHA, no way! Sir.” muntik ko ng hindi natawag na sir.
Sa mahigit tatlong taon ko dito sa VSI alam kong nasanay na rin si Sir sa ugali ko. Aminin kong ma-attitude ako, at nagpapasalamat akong naiintindihan yun ni sir. Hindi naman ako pinalaking malambing gaya ng ibang babae, wala nga akong mama, si papa lang ang madalas kong kasama mula noong bata ako.
Buti nalang at may pinsan pa akong itinuring ako na kapatid. At nagpapasalamat ako dahil don. Pero siguro kailangan naming maghiwalay ni Hyanich para sa aming sarili. May sapat at maganda naman akong trabaho, ganun din siya, maganda naman ang career niya sa ibang bansa.
Pero patuloy pa rin ang communication namin.
To be continue...
Title: | Fears In Love |
---|---|
Author: | @joreneagustin |
Date Published: | 02.11.22 |
Cover photo: | Edited in Canva |
Nice HAHAHHA crabby. Waiting for part 2 😄
Thank you for waiting! Tomorrow ulit 😄
!discovery 20
This post was shared and voted inside the discord by the curators team of discovery-it
Join our community! hive-193212
Discovery-it is also a Witness, vote for us here
Delegate to us for passive income. Check our 80% fee-back Program
Your content has been voted as a part of Encouragement program. Keep up the good work!
Use Ecency daily to boost your growth on platform!
Support Ecency
Vote for new Proposal
Delegate HP and earn more