Mga Alaala Sa Loob ng Dyipni

Ito ang kauna unahan kong pagsali sa patimpalak sa komunidad na ito. Noong nakalipas na isang linggo ay nahuli ako sa pagsumite ng aking kasagutan mula sa mga katanungan dito sa kadahilanang huli na rin nang mabasa ko ang nasabing patimpalak.

Gayunpaman, inaabangan ko ang sumunod na patimpalak na ito at ako'y nagagalak dahil mahaba pa ang oras na pwedeng ilaan sa pagsagot sa bawat katanungan ngayon. Ngunit ako'y nag aalala na baka hindi ko na naman mamalayan ang mga susunod na araw at hindi na naman makasali. Kaya napagpasyahan kong gawin sa araw na ito ang aking lathala.

Larawan ni Rainier Ridao mula sa unsplash.

Ngayong andito na ako naninirahan sa probinsya namin at walang dyipni na masasakyan dito, dahil puro mga traysikel lamang ang uso dito, nais kong ibigay ang aking mga karanasan sa pagsakay ng dyip noong ako'y nasa Cebu pa lamang.

Nagtatrabaho ako nuon sa isang ospital sa Cebu City, at lagi'y dyipni ang aking sinasakyan tuwing aalis ng bahay papuntang trabaho at maging sa pag uwi. Kahit sa pagpunta sa simbahan, sa merkado o mall, dyip ang laging nasasakyan dahil sa bukod na mura ang pamasahi,mas madami rin ang dyipni na agad mong masasakyan.

Halos pitong taon rin akong sumasakay ng dyipni araw araw at may mga tumatak sa aking mga alaala kapag sumasakay ako ng dyip. Ako'y maliit lang, at kahit boses ko'y maliit rin kaya minsan hindi ako naririnig ng tsuper na kadalasan ay nagiging dahilan ng pagbaba ko na lampas pa sa dapat kong bababaan. Swerte na kong may katabi akong syang nagsasabi ng "para". Minsan kasi kahit may mga kasama ako sa loob ng dyip tila wala ring imik at may malalim na iniisip yung iba. Kaya naman sa tuwing makikita kong bakante ang unahang upuan na katabi ng tsuper, doon ko pinipiling maupo. Dahil bukod sa agad nyang naririnig yung pagsabi ko kung saan ako bababa, eh mas madali rin ang pag abot ko ng pamasahi sa kanya.

Pero nung kinalaunan, napansin ko na yung iba eh hindi na nagsasabi ng "para" kundi gumagamit na lamang sila ng barya at pinapatunog sa bakal na hawakan sa loob ng dyip at hihinto na ito. Gayun na lamang ang aking kasiyahan dahil hindi ko na kelangan magsalita pa.

Marami rin akong nababalitaan nuon na nadukutan sa loob ng dyip na hindi man lang napapansin. At meron rin naman yung nahahablot yung dala dalang bag tulad na lamang ng aking kaibigan. Hindi kami magkasabay nuon at naikwento lamang niya sa akin. Kaya naman lagi'y nakaalerto ako lalo pag ako lamang mag isa at wala ang kapatid ko na lagi'y kasa-kasama ko sa pamamasyal. Hindi ko rin naranasang makatulog sa loob ng dyip dahil ako nga'y takot na baka lumagpas ako sa lugar na dapat kong hintuan o kaya naman ay manakawan.

Minsan rin na hindi ako nakapagbayad ng pamasahi dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko na nakalimutan kong magbayad. Dahil nga marami kami sa loob ng dyip at yung iba eh nagbayad na, siguro ay inisip ng tsuper na nakapagbayad na ako. Saka ko lamang iyon naalala noong ako'y nakababa na at nakaalis na ang sinasakyan kong dyip.

Naaalala ko rin yung mga batang kalye na kahit puno na sa loob ng dyip eh pinipilit na pumasok kahit wala nang mauupuan. Ginagawa nila iyon upang doon sa loob kumanta at hihingi ng barya. Minsan kapag may barya naman ako, nagbibigay naman ako, pero minsan hindi. Para kasing pinayagan mong manghingi nalang sila lagi dahil may nagbibigay naman kesa sa magbanat ng buto.

Naranasan ko ring makasabay ang isang gwapong lalaki noon. Matangkad, malinis sa katawan, at ang bango pa talaga. Yun nga lang nung marinig ko kung saan sya bababa, eh napanganga nalang ako. Salungat nang panlabas na anyo niya ang kanyang boses. Besh, bakla pala yun. Talagang hindi mo masusukat sa panlabas na anyo ang tunay na katauhan.

At iyon ay ilan lamang sa mga karanasang tumatak talaga sa aking isipan. Kaya nalulungkot ako sa isiping mawawala ng tuluyan ang mga dyipni dahil isa talaga yun sa mga nakasanayan ko na. Alam ko ring maraming tsuper na nagmamaneho o nagmamay ari ng mga dyipni ang malulungkot dahil mawawalan ng hanap-buhay.

Pero tulad ng ating pambansang sasakyan, ang KALESA, ito'y unti unti ring nawala at napalitan.

Kaya nga hindi natin naipipilit ang mga bagay na gusto nating manatili. Payag man tayo o hindi, Dyos na ang magtatadhana. At lagi nating tandaan na sa mundong ibabaw, walang nanatili ng magpakailanman.

Salamat sa pagbasa hanggang sa dulo, at sana'y nagustuhan nyo ang aking lathala. Ingat tayo lagi at nawa'y pagpalain tayo ng Poong Maykapal.

Hanggang sa muli.

@jonalyn2020 🥰



0
0
0.000
8 comments
avatar

Grabe Jona jampacked naman ang kwento halos lahat nagawa mo na maliban sa pagtulog.

Ako lagi din nasa may tabi ng driver, yung may salamin pag naupo para manalamin atbp. hahaha GGSS.

Yung pagtulog sa jeep, parang regular nalang sa akin kasi malayo ang byahe ko at dulo to dulo naman so pwede gisingin. Awa ng Diyos di pa naman nalagpas. Yung dukutan, nagkaroon din ako ng ganyan noon.

ang merkado ba ay ang palengke?

0
0
0.000
avatar

Sa tagal ko ba namang sumasakay ng jeep noon. Kulang pa nga Yan pero yan lang naaalala ko eh. 😅

Oi anu yung GGSS? Senior here, diko maintindhan. 🤣

Pinakamahaba atang byahe ko sa jeep was 1hour sobra dahil sa traffic but usually kasi nasa 20-25mins lang Yan kung alang traffic.

Yes tama, merkado, market o palengke.

0
0
0.000
avatar

Maiksi lang yung 1 hour nako, we spend hours madalas sa layo ng lugar at traffic.

GGSS - Gwapong-gwapo Sa Sarili yun.

0
0
0.000
avatar

Ay hala, pag ganun pala katagal na byahe latang gulay na pakiramdam mo pagka abot ng bahay. Nakaka drain ng energy ang traffic. Okay lang kahit malayo, pero ang traffic? Nah! Kaya pala nakakatulog ka. 😅

Oh, yun pala ibig sabihin nung GGSS. Hahaha. 🤣

0
0
0.000
avatar

Haha yes, ganyan tlga sa jeep. Mas ok for me pero pwede rin naman bus. Mas maganda talaga wag mawala yung jeepney design sa Pinas kasi icon yan ng Pinas eh. Imagine mo yung Paris sirain nila yung Eiffel Tower, o kaya yung USA sirain nila yung Statue of Liberty. Aguyyy hahaha. Yung Singapore nga muntik na ata nila alisin yung leon na sumusuka ng tubig. Ahaha. Anyway ayos tlga sumakay sa jeep dami nating mae-experience.

0
0
0.000