MCGI TOPIC REVIEW: "Saan Napupunta Ang Mga Kaluluwa Ng Patay?" πππ€
Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! π
Medyo matagaltagal na din noong huli kong pagbahagi ng aking repleksyon dito sa Community na ito dahil na rin sa medyo naging abala sa ibang mga bagay-bagay. Pero ngayon masaya akong makabalik para sa panibagong repleksyon na masasabi kong magandang pag-usapan sa mga panahong ito.
Habang ako nga ay nanunuod ng ilang mga aral na naibahagi sa YouTube Channel ng MCGI, isang magandang magandang aral ang dapat nating pag-usapan na nakatuon para sa mga patay, na meron pamagat na, "Saan Napupunta Ang Mga Kaluluwa Ng Patay?".
Hindi nga natin maikaila na ang mundo natin ngayon ay malapit ng madiwang ng araw ng mga patay na kung saan ginugunita ito tuwing una at ikalawang araw ng Nobyembre.
Dito nga ay inaalala natin ang mga taong minamahal natin na pumanaw na. Subalit kung ating tatanongin, saan ngaba pupunta ang mga kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay na pumanaw na?
Bawat isa sa atin sa mundong ito ay mayroong iba't ibang pagkatao at pamumuhay habang tayo ay nabubuhay. Maraming mga tao na namuhay na mabuting mga tao at hindi natin maikaila rin na marami ding mga taong namuhay sa kasamaan.
|
---|
Kung ating titignan sa Salita ng Dios na ating mababasa sa itaas, ibinahagi dito na ang mga taong mabubuti, yong mga taong nananampalataya sa Dios, mga taong namatay o pinatay dahil sa Salita ng Dios.
Ang mga taong ito ay mga taong buong pusong naniniwala sa Dios at mayroong mga pusong mabubuti. Ayon dito ay ang mga kaluluwa ng mga mabubuting tao at buong pusong nananampalataya sa Dios ay mananahan sa dambana ng Altar sa langit kung saan nandoon ang Dios.
Ating makikita o mapatunayan na merong paghuhusga pagkatapos ng ating kamatayan at ang pagbabasihan nito ay kung paano tayo namuhay sa mundo habang tayo ay namumuhay.
|
---|
Sa tanong, paano naman ang mga masasama o yong mga taong nananampalataya sa Dios? Kung ang kahahantungan ng mga mabubuting mga tao at buong pusong nananampalataya sa Dios sa ay dambana ng Altar sa langit, ang mga masasama at mga suwail naman, ang mga kaluluwa at espiritu ay nakakulong sa bilanggoan.
Ating tignan ng mabuti ang Salita ng Dios na mababasa natin sa itaas, dito sinabi na minsan si Cristo ay napunta sa bilanguan upang mangaral sa mga espiritung nakakulong sa bilanguan na ito'y mga taong suwail mula pa sa panahon ni Noe.
Noong unang panahon pa nga lang ay marami ng mga taong suwail at noong mamatay ito ay, ang mga espiritu at kaluluwa ay nakakulong sa bilanguan. Kung ating susuriing mabuti, magkaiba talaga ang kahihinatnan ng mga mabubuti at masasama.
Ngayon, para sa aking panghuling repleksyon o aking mga natutunan sa araling ito, masasabi kong malaking bagay na nalaman ko ito dahil ako ay nabubuhay pa dahil kung sakaling ako ay nawala na at hindi ko alam ang mga ito, malaking tyansa na mapupunta ako sa mahirap na kalagayan.
Ito ay nagpapa-alala sa akin na palagi kong isapuso ang maging mabuting tao sa lahat ng panahon at sa bawat taong aking makasalamuha, at higit sa lahat mamuhay akong merong pusong bukal ang pananampalataya sa Dios.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Saan Napupunta Ang Mga Kaluluwa Ng Patay?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! ππβοΈ
Your Friend
@godlovermel25
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.