MCGI TOPIC REVIEW: "Mag-asawang Nagkahiwalay at Nag-asawa muli, sino ang may kasalanan?" πŸ™πŸ˜‡πŸ€—

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! πŸ˜‡

Nandito na naman ako upang magbahagi ng aking panibagong repleksyon o topic review at nagpasalamat ako lagi sa walang sawang pag suporta sa aking mga naibabahagi dito sa community lalong lalo na ang mga curators at lahant ng mga dumadaan upang basahin ang aking mga ibinahagi.

Sa pagkakataong ito, isang maganda at tagus sa puso ang topic na aking pagbibigyan ng repleksyon o topic review dahil ito ay tumutukoy sa usaping paghihiwalay ng mag-asawa, na kung saan ang aking Ina at aking step father ay naghiwalay dahil sa pangangalunya. Ang pamagat ng topic natin ngayon ay, "Mag-asawang Nagkahiwalay at Nag-asawa muli, sino ang may kasalanan?"

Napaka kontrobersyal nga naman talaga ng topic na ito dahil maraming mga pamilya ang nasisira dahil sa pangangalunya na humahantong sa paghihiwalay. Isang halimbawa nga nito ang aking Ina at aking step father.

Matagal na ngang pumasakabilang buhay ang aking tunay na Ama kung kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makapangasawa muli, pero hindi ito tumagal hanggang ngayon dahil naghiwalay din sila dahil sa pakikiapid o pangangalunya ng aking step father, kung kaya siya ay nagkasala sa Dios.

Kung ating titignan sa ating paligid, meron talagang mga pamilya na nasisira pero sa tanong kung sino ang may sala, tiyak na ang may sala nito ay ang nakikiapid o nangangalunya.

Mateo 19:9 "At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya."

Isang malaking kasalanan sa Dios ang pangangalunya dahil taliwas ito sa Kanyang utos. Kung ang isang lalake ay iiwan ang kanyang asawa dahil sa kanyang pakikiapid at mag-asawa sa iba ay isang malaking kasalanan o maling gawain bilang isang tao, tiyak na magkakasala tayo hindi lang sa batas ng tao kundi pati na rin sa batas ng Dios.

Kung sakaling ikaw ang nag-asawa ng iba dahil sa nalaman mong nakikiapid ang iyong asawa habang kayo ay nagsasama, ayon sa kanyang Salita, hindi ka magkakasala sa Dios ng pangangalunya dahil wala ka namang kasalanan.

Kung kaya mas mabuti talagang maging tapat sa bawat isa dahil meron tayong isinumpa sa Dios na walang kahit na anong makakapaghiwalay maging kamatayan man.

Bagamat ang ganitong mga pangyayari ay talaga nga namang nangyayari dito sa atin dahil na rin sa kasalanang dulot ng kaaway natin, tanging magagawa natin ay lumapit tayo sa Dios, lalo na kung hindi pa natin alam ang katotohanan.

Ang Dios natin ay mapagpatawad na Dios lalo na sa mga taong wala pang alam sa katotohanan, tiyak na papatawarin tayo ng Dios tulad na lamang ng ginawa Niya kay Maria Magdalena, na isang makasalanang tao. Pero dahil hindi alam ni Maria Magdalena ang katotohanan, lumapit siya sa Dios at sinunod niya ang utos ng Dios, pinatawad siya ng Dios sa kanyang mga kasalanan.

Gayon din tayo, kung lalapit at sumunod lang tayo sa Dios, tayo ay papatawarin ng Dios sa lahat ng ating mga kasalanan. Ganyang kabuti ang ating Dios kung tayo mismo sa ating sarili ay bukal na lalapit at susunod sa Dios.

Para sa aking pang huling repleksyon o aking topic review, marami talaga akong natutunan dito dahil nagpapa alala ito sa akin na kailangang maging tapat talaga ako sa taong aking minamahal upang hindi masira ang aming pagmamahal at ang bubuohin naming pamilya. Dahil sa bawat hindi magandang magagawa ko ay kitang kita ng Dios at walang nakakatago sa Kanya kung kaya kailangang maging tapat unang una sa Dios at sa aking minamahal na pamilya.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Mag-asawang Nagkahiwalay at Nag-asawa muli, sino ang may kasalanan?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
5 comments
avatar

Nakikita ko ang epekto nito sa mga anak lalo na kung mga bata pa. Kaya malaking bagay sa bansa natin ang God fearing. Dahil generations itinuro sa atin yan mga lolo ng lolo natin kaya sana sa generation na ito at susunod pa hindi mawala ang pagturo sa ating Panginoon. It start with us as a parent to teach the kids about scripture then teach them how to teach their kids. Salute bossing salamat sa article na ito.

0
0
0.000
avatar

Salamat po sa suporta... Tama po na dapat mag simula sa mga magulang ang pagtuturo.

0
0
0.000
avatar

Magandang explaination at dahil ito ay nangyayari sa akin .

0
0
0.000
avatar

Salamat po sa pag suporta...maganda po talaga pag based on experience. πŸ™πŸ˜‡β˜ΊοΈ

0
0
0.000