MCGI Topic Review: "Ang Role ng mga Ina sa Tahanan" π€ππ
Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! π
Maligayang pagbati sa ating lahat dito sa MCGI Cares Hive Community lalong lalo na sa mga Admins at sa lahat ng mga curators na sumusuporta sa akin hanggang ngayon. Labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pag-aalaga sa akin sa bawat araw na nagdaan sa aking buhay.
Ngayong araw din na ito, nandito na naman ako upang magbahagi ng aking pinakabagong replekayon o ang aking topic review sa isang topic na naibahagi dito sa Community na meron pamagat na, "Ang Role ng mga Ina sa Tahanan".
Isa nga ito sa tingin ko ang masasabi nating magandang talakayin dahil tayong lahat ay merong mga Ina na nag-aalaga sa atin, at para na rin sa mga magiging Ina, isa itong magandang paalaala sa kanilang lahat.
Alam natin na meron talagang importanting role o papel ang bawat magulang, hindi lang ang Ina pero para sa topic na ito, ating alamin ang mga role ng Ina sa Tanahan lalong lalo na sa mga anak.
Ika nga, ang mga Ina ang ilaw ng Tahanan at ang mga Ina din ang masasabi natin na unang guro ng mga bata o anak sa tahanan. Isa ding malaking bagay na ang Ina ang maging halimbawa ng mga anak sa kanilang pananampalatay sa Dios.
|
---|
Isa itong paalala sa bawat magulang lalong lalo na sa mga Ina na matutong mahalin at mag sakripisyo sa pamilya, sa bawat membro ng pamilya lalong lalo na ang mga Anak.
Sa Bibliya marami tayong makilalang mga Ina na talagang nag-aalaga at nagsasakripisyo sa pamilya at mga anak at ilan sa mga ito ay si Sarah at ang ina ni David na isang lingkod ng Dios. Dito natin makikita na ang Ina ni David ay isang lingkod ng Dios kung kaya siya ay lumaki na merong takut sa Dios at isa ring lingkod.
|
---|
Meron talagang malaking papel ang mga Ina upang lumaki ang mga Anak na merong takut sa Dios at aa taus pusong pananampalaya ng mga Anak. Kung ang Ina ay merong kinikilalang Dios at buong pusong nananampalataya sa Dios, ay siya na ring maging kinabukasan ng mga anak dahil ito ang kanilang nakikita sa kaniyang mga magulang lalong lalo na sa kanyang Ina.
Isang halinbawa rin na ating mababasa sa Bibliya ay si Timoteo, dahil siya ay nasa ikatlong henerasyon na, at nananatili pa rin ang pananampalataya na kanyang natutunan mula pa sa kanyang lelang hanggang sa kanyang Ina. Dala natin ito hanggang sa ating pagtanda hanggang sa susunod pang mga henerasyon.
Wala talagang makakampantay sa pagmamahal ng isang Ina lalong lalo na kung siya ay meron Dios at nananampalataya sa Dios dahil mapapalaki niya ang kanyang anak na merong takut at taus pusong nananampalataya sa Dios.
Para sa aking huling repleksyon o review sa topic na ito, masasabi kong malaking tulong ito para sa akin bagamat hindi ako isang babae na magiging isang Ina, meron din naman akong kasintahan na magiging Ina ng aking mga anak sa darating na panahon, at maituturo ko ito sa kanya upang maging magandang halimbawa siya sa aming magiging anak at mapalaki namin ang aming mga anak na merong takut at pananampalataya sa Dios.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Ang Role ng mga Ina sa Tanahan", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! ππβοΈ
Your Friend
@godlovermel25
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.
Un tema bastante emotivo las madres son el todo del hogar y es asi son las primeras maestras que nos preparan para la vida grandioso trabajo saludfos y bendiciones.