MCGI Cares Hive Community | Problema sa buhay, paano dapat lutasin?" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Isang maligayang pagbati sa ating lahat po dito sa Community na ito. Maligaya akong maka balik dito dahil mahigit kumulang isang buwan na akong hindi nakapagbahagi ng aking repleksyon dahil medyo naging abala ako at dahil sa pagkaka problema ko sa aking kalusugan, pero taus puso ang aking pasalamatan sa Dios dahil sa kagalingang Kanyang ibinigay sa akin, kung kaya ngayon meron na akong lakas upang gumawa muli ng aking repleksyon.

Screenshot_20231215-204734.jpg

Ngayong araw nga na ito, isang magandang topic ang aking bibigyang repleksyon na nagtatalakay tungkol sa "Problema sa buhay, paano dapat lutasin?"

Alam naman natin na habang tayong lahat ay nabubuhay dito sa mundong ito, hindi na talaga natin maiiwasan ang mga problema sa ating mga buhay pero aalahanin natin na ang mga problemang ating dinaranas ay hindi galing sa Dios dahil tayo mismo ang gumagawa ng ating mga problema sa buhay.

Screenshot_20231215-204934.jpg

Screenshot_20231215-205005.jpg

Maraming magagandang ibinigay ang Dios sa ating buhay para sa ating kabutihan tulad na lamang ng mga prutas. Maraming iba't ibang klasing prutas na pwede nating kainin na nakakabuti sa ating kalusugan tulad na lamang ng mga Watermelon, Mangga at marami pang iba. Merong mga buwan na uuso ang mga ganitong mga prutas na nagpapahiwatig na gusto ng Dios na kumain tayo nito dahil nauuso at nakakabuti sa ating kalusugan.

Pero sa halip na kumakain tayo ng mga masusustansyang mga prutas at pagkain, mas pinipili pa nating kainin ang mga pagkaing nakakasama sa atin, kunga kaya ito ang maaring sanhi ng ating mga problema. Ang tanong dito, sino ngayon ang may kasalanan? Ang may kasalanan dito ay tayo dahil tayo ang gumagawa ng problema.

Screenshot_20231215-205242.jpg

Screenshot_20231215-205059.jpg

Ngayon na dahil meron na tayong mga problema sa buhay dahil din sa ating ginagawa, maraming mga taong sumusuko at merong mga pagkakataon na nag su-suicide pero malaking pasasalamat sa Dios dahil dito sa ating Bansa, tayong mga Pilipino ay matatag at hindi madaling natatalo ng problema hindi tulad ng mga nasa ibang bansa. Malaking dahilan kung bakit nag su-suicide ang mga tao dahil takot na humingi ng tulong sa iba o kaya ay hirap harapin ang mga problema sa buhay.

Malaking naidudulot talaga ang problema sa mga tao pero dahil din ito sa ating mga kagagawan sa buhay at hindi dahil sa Dios.

Screenshot_20231215-205155.jpg

Screenshot_20231215-205412.jpg

1 Corinto 10:13 β€œHindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis."

Bagamat meron tayong mga problemang hinaharap, tatandaan natin na hinding hindi tayo pababayaan ng Dios dahil kung meron man tayong mga problemang hinaharap na hindi dahil sa ating ginagawa, hinding Niya tayo bibigyan ng kahit ano mang problema na hindi natin kayang lutasin. Talaga namang napaka buti ng Dios sa ating mga buhay dahil hindi Niya tayo pagbabayaan kailan man.

Pang huling masasabi ko dito bilang aking repleksyon. Tayo ang gumagawa ng ating mga problema dahil ang lahat ng ibinigay ng Dios sa atin ay pawang kabutihan lamang at kung sakaling merong mga hindi magagandang pangyayari sa ating mga buhay ito ay kasalanan natin. Talaga namang napaka buti ng Dios sa ating mga buhay dahil ibinigay na Niya ang lahat kung kaya kailangan lamang na tayong sumunod sa mga utos ng Dios

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Problema sa buhay, paano dapat lutasin?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
3 comments
avatar

salamat sa Dios bro @godlovermel25, salamat sa pagreview mo sa aming post ngaun araw

God bless po

0
0
0.000
avatar

Maraming salamat din po... Masaya akong maka balik...

0
0
0.000
avatar

Magpatuloy po tayo sa paggawa ng mabuti at pagaaral lage ng aral ng Dios :)

0
0
0.000