MCGI Cares Hive Community | "Bakit May Mabait na Taong Maagang Mamatay" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! πŸ˜‡

Nitong mga nagdaan araw at linggo ay maraming mga kaganapan na nangyari sa aking buhay lalong lalo na sa aking kalusugan, dahil nga sa hindi natin maiiwasang magkasakit, pero lubos at taus puso ang aking pasasalamat sa Dios dahil talagang napaka buti Niya sa aking buhay at papuri't pagsamba sa Kanya lamang.

Sa ngayon nga ay meron na naman akong panibagong repleksyon na ibabahagi sa inyong lahat, at ito ay merong titulo na, "Bakit May Mabait na Taong Maagang Mamatay".

Nagpapasalamat na ako sa lahat nang mga sumusuporta, lalong lalo na sa mga Admin ng Community na ito.

Ang kamatayan ng tao ay hinding hindi natin maiiwasan dahil tayong lahat ay papunta sa sitwasyon na ganyan, pero sa katanungang bakit may mga mababait na taong maagang namamatay, para sa akin dahil ito ay itinakda na nang Dios.

Bawat pangyayari sa ating mga buhay ay itinakda na nang Dios, mula sa ating pagsilang sa mundo, mga gagawin natin hanggang sa paglaki, hanggang sa dumating tayo sa kamatayan, itong lahat ay itinakda na nang Dios.

Isaiah 57:1 β€œAng matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating."

Kung sakaling ang isang taong mabait ay pumanaw o mamamatay, ang mga pangyayaring ganito ay hindi natin maiiwasan dahil itinakda na ito ng Dios, subalit, kung ang isang mabuti o mabait na tao ay mamamatay, ito ay may kahulogan sa Dios, hindi ito basta bastang pangyayari sa atin.

Ito ang sinabi sa Salita ng Dios sa Isaiah 57:1, maaring maaga tayong namamatay dahil gusto ng Dios na tayo ay maiwas o mapalayo sa mga mas malalaki pang pangyayari na darating.

Gusto nang Dios na imbes na tayo ay makaranas pa ng mga masasamang pangyayari, tayo'y kanang kinukuha upang mapaiwas sa masasamang pangyayari na posibling mangyari.

Hebreo 9:27 β€œAt kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;"

Sabi ko nga na ang lahat ng mga pangyayari sa atin ay itinakda na nang Dios tulad na lamang ng ating kamatayan, lalong lalo na kung tayo ay mababait o mabubuting tao, itinakda ito ng Dios dahil ayaw Niya na tayo ay mapahamak.

Kung alam natin sa ating sarili na tayo ay mabuti sa Dios at hindi yong mabuti lang tayo sa tao, hindi tayo matatakot dahil tayo ay para sa Dios at makakasama natin ang Dios doon sa langit.

Mamuhay tayo sa mundong ito na mabuti hindi lamang sa mga mata ng Tao kundi lalong lalo na sa mga mata ng Dios. Nakikita ng Dios ang lahat sa atin, kaya kung tayo ay mamamatay na mabuti sa Dios, at mamamatay tayo ng maaga, ito ay itinakda ng Dios para maiwas tayo sa mga masasamang bagay na mangyayari sa atin, at ganyan tayo kamahal ng ating Dios na makapangyarihan sa lahat.

Ngayon dito naman tayo sa aking panghuling repleksyon o mga natutunan sa topic na ito. Tayong lahat ay iisa lang ang patutungohan ang kamatayan mapa mabuti man o masama.

Pero kung ang isang mabuting tao, yong taong merong Dios ay mamamatay ng maaga, ito ay itinakda na ng Dios dahil mahal Niya tayo at ayaw Niya na tayo ay mapahamak dahil alam ng Dios ang mga bagay na mangyayari sa atin.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Bakit May Mabait na Taong Maagang Namamatay", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
2 comments
avatar

salamat sa Dios bro, sana makasama ka rin po namin sa aming Zoom meetings :)

0
0
0.000
avatar
(Edited)

Minsan may mga bagay na hindi natin maintindihan, at madalas hindi nasasagot. Pero kung magbabalikan natin lahat ng kabutihan ng Dios sa ating buhay, Siya ay nanatiling tapat noon bukas at Magpakailanman. Salamat po sa napakagandang mensaheng ito. God Bless you poπŸ™

0
0
0.000