MCGI Cares Hive Community | "Ang Maawain ay Kinaaawaan" 😇🙌☝️

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇

Aking lubos na pasasalamat unang una sa lahat sa ating Panginoong Dios dahil nandito na naman ako sa Community na ito at magbabahagi ng aking bagong repleksyon, at labis ang aking pasasalamat bagamat medyo hindi ako aktibo dito ay patoy pa rin akong nakakatanggap ng supporta.

Ngayong araw nga na ito, magbabahagi ako ng aking repleksyon sa isang topic na merong pamagat na, "Ang Maawain ay Kinaaawaan".

Mahigit sa isang linggo na nga mula noon nakaraang repleksyon ko na merong pamagat na Ang Paggawa na may kasamang Dios", at talaga namang marami akong natutunan dito.

Ngayon ding araw na ito isang maganda at importanting aral ang aking bibigyang repleksyon at ito ay tungkol sa pagiging maawain ng tao dahil ito ang isa sa mga kagalingang gusto ng Dios na meron tayong lahat na tao.

Lucas 6:36 “Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain."

Sabi pa sa Salita ng Dios na dapat tayo ay maging maawain gaya ng ang ating Dios ay maawain. Itong lahat naman ay tama dshil ang ating Dios talaga ay napakamaawain sa ating lahat. Dahil kung hindi Siya mawaain sa atin ay tiyak na wala din tayo sa mundong ito. Mapalad tayong lahat na meron tayong Dios na mawaain sa ating lahat at hinding hindi tayo pinababayaan.

Mateo 5:7 “Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan."

Dahil ang ating Dios ay mawaain dapat din tayo ay maawain lalong lalo na sa ating mga kapwa kahit na pati sa ating mga kaaway. Sabi pa sa Salita ng Dios, tayo ay mapalad kung tayo ay mahabagin o maawain dahil tayo rin ay kaaawaan din ng Dios.

Maraming mga magagandang bagay at oportunidad ang ating matatanggap mula sa Dios kung tayo ay magapapakita ng kahabagan sa ating mga kawpa lalong lalo na sa ating mga kaaway.

Efeso 6:8 “Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, maging alipin o laya."

Minsan hindi talaga madali lalong lalo na't bawat isa sa atin ay meron kanya kanyang pagkatao at minsan hirap tayong gumawa ng mabuti sa mga taong nakakagawa ng hindi maganda sa atin.

Pero ang parating ipinaalala ng Dios sa atin ay dapat tayo ay laging mahabagin o mawaain sa ating kapwa tao dahil kahit ano pang gawin nating mabuti sa ating kapwa ay gayon din ang matatanggap natin galing sa Dios, hinding hindi mababaliwala ang lahat ng ating ginagawa sa ating kapwa, at ganito kabuti ang Dios sa atin.

Awit 37:25 “Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay."

Ito naman ang isa sa magandang reward o matatanggap natin kung tayo ay gumagawa ng mabuti o mahabagin sa ating mga kapwa kahit na sa ating mga kaaway, tayo rin ay kahahabagan ng Dios at hindi lang tayo kundi pati rin ang ating mga anak hanggang sa mga anak ng ating mga anak o mga henerasyon.

Hinding hindi babaliwalain ng Dios ang kahit na ano pang gawin nating mabuti sa mga tao na nakapaligid sa atin, gagawa ang Dios ng mabuti sa atin hanggang sa ating mga henerasyon.

Ngayon, para sa aking huling repleksyon o mga natutunan ko sa aral na ito. Lahat tayo sa mundong ito bagamat nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi maganda gusto pa rin ng Dios na tayo ay maging maawain sa ating kapwa kahit pa sa mga taong nakagawa ng masama sa atin.

At hinding hindi ito mababaliwala dahil kahit na ano pa ang ating gawing kabutihan sa ating kapwa ay gayon din ang gagawin ng Dios sa atin at tiyak na hindi lang yan pati rin sa ating mga susunod na henerasyon.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Ang Maawain ay Kinaaawaan", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! 😇🙌☝️

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments