Sapagkat Walang Imposible Sa Diyos.
Magandang paalala po ito sa ating lahat ngayong araw na walang imposible sa Panginoon!
Pero nais ko lang sabihin sa ating lahat na hindi dahil walang imposible sa Panginoon ay maaari na nating “sabihin” o “i-claim” na ma-achieve o makukuha natin ang gusto natin dahil “ipinagdasal” natin at nagclaim tayo na “walang imposible sa Panginoon”.
Totoo walang imposible sa Panginoon pero hindi susunod ang Panginoon sa WILL natin. Ang susundan ng Panginoon ay ang WILL at PURPOSE Niya. Kaya sana matutunan natin ngayong araw na hindi lang BLINDLY magclaim tayo “by faith” na walang imposible sa Panginoon.
Ang nais kong i-share sa ating lahat ay kung magdarasal tayo sa Panginoon, pwede natin ibuhos ang nilalaman ng puso natin, pwede tayong magrequest sa Kanya ng kahit na ano, pwede tayong mag-claim ng victory sa Pangalan Niya. Pero wag sana natin kakalimutan na i-surrender ang resulta sa Kanya. Wag sana natin kakalimutan na ipagdasal ang “YOUR WILL BE DONE, not mine”.
Dahil kung tunay na may pananampalataya tayo sa Diyos at tunay na nagtitiwala tayo sa Kanya na hangad Niya ang kabutihan at alam Niya ang best para sa atin ay ipagkakatiwala natin ang buong buhay natin sa Kanya at hindi natin ipipilit ang gusto natin.
Tunay na walang imposible sa Panginoon kung naaayon sa WILL at PURPOSE Niya ang isang bagay. Kahit humanly impossible, kahit scientifically impossible ay magagawa ng Panginoon dahil Siya ang naglikha ng lahat ng bagay kaya Siya lang ang may kapangyarihan na gumawa ng imposible.
Isuko at ipagkatiwala sa Diyos ang kontrol ng iyong buhay. Dahil kay Hesus, hindi mo kailangang matakot sa anumang bagay. Sapagkat lahat ay posible sa Kanya. Itigil ang pamumuhay ayon sa iyong sariling kagustuhan. Simulan ang pagtitiwala sa Diyos sa Kanyang kalooban para sa iyong buhay, dahil sa Kanya Tunay na walang imposible
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Urdaneta City,Pangasinan, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)
Itiwala lang natin ang lahat ng ating kabalisahan sa Dios, sapagka't tayo'y pinagmamalasakit Nya, God bless po @fherdz
Napili po namin ang post na ito sa aming curation ng MCGI Cares Hive community. Nais po namin kayo na anyayahan sa aming community na nag aaral ng salita ng Dios. Maaari rin po natin i-follow ang aming Official Youtube channel. Keep doing the great job po ❤️
Amen po.
Kung may chance po kayo, baka pwede nyo ireview ang ating topic for the week
https://peakd.com/hive-182074/@hiro-hive/problema-sa-buhay-papaano-dapat-lutasin-mcgi-topic-review