MAY PAG-ASA TAYO DAHIL KAY HESUKRISTO
Mapagpalang araw sa lahat.
Bakit tayo may pag-asa kahit sobrang dami natin nagawa na mali? Bakit tayo may pag-asa kahit sobrang bagsak ng buhay natin? Bakit tayo may pag-asa kahit iniwan na tayo ng lahat o nawala na sa atin ang lahat? Bakit tayo may pag-asa kahit ano pa ang sitwasyon natin? — MAY PAG-ASA TAYO DAHIL KAY HESUKRISTO.
Sinabi ng Panginoon sa Isaiah 49:23 na kung magtitiwala at aasa tayo sa Kanya hindi tayo mabibigo o madidismaya. Kaya sinabi din ng Panginoon sa Matthew 11:28 na kung lalapit tayo sa Kanya kahit gaano pa kabigat ang mga karga natin ay sasaluhin Niya ito at bibigyan Niya tayo ng kapayapaan at kapahingaan.
Hindi ko man alam kung nasaan ka ngayon sa buhay mo, pero alam ng Panginoon at inaanyayahan ka Niya na lumapit sa Kanya dahil nais ka Niyang tulungan. Mahal ka ng Diyos kaya nais ka Niyang bigyan ng pagasa ngayon.
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ SM Baguio, Baguio City, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)