Ang Tunay Na Kaugnayan Sa Diyos Ay Magdadala Sa Atin Sa Isang Masayang Papuri
Mapagpalang araw sa ating lahat.
Magreflect tayo ngayong araw sa tanong na ito: “Kung tayo ay nagdarasal, masaya ba tayo? Masaya ba natin pinapupurihan at pinasasalamatan ang Panginoon?”
Madami sa atin ay ang pagdarasal natin ay routine lang. Yung tipong bago kumain magpapasalamat tayo. O di kaya naman ay yung panay hiling lang yung ginagawa natin kung may kailangan tayo. O yung nagdarasal tayo pero pare-parehas ang sinasabi natin sa Panginoon araw araw.
Madami sa atin ay hindi nakaka-experience ng victorious life dahil defeated ang prayer life natin. Ibig sabihin ay hindi natin tunay na na-eexperience ang Panginoon sa buhay kaya hindi tayo excited na lumapit Sakanya at kaya parang konsepto lang ang Panginoon sa buhay natin. At dahil dito ay meron tayong ritualistic na religion pero wala tayong tunay na personal na relationship sa Panginoon.
Pinagdarasal ko na ngayong araw ay magpakumbaba tayo at lumapit tayo sa Panginoon ng buong puso natin para ma-experience natin Siya sa buhay natin. Para kung lalapit tayo sa Kanya sa pagdasal natin ay tunay natin Siyang ma-experience at tunay natin marinig ang nais Niyang sabihin sa atin. Maaari tayong gabayan ng spiritual leaders o mentors natin sa faith natin para maging mas malinaw kung ano ang sinasabi ng Panginoon sa atin, pero ultimately SA ATIN sasabihin ng Panginoon ang nais Niyang sabihin at ipagawa sa atin.
Ang tunay na relasyon at tunay na karanasan sa Diyos ay magdadala sa atin sa isang masayang papuri sa tuwing tayo ay lalapit sa Presensya ng Diyos sa panalangin o sa anumang ginagawa natin. Dalangin ko na sa araw na ito ay tunay nating maranasan ang kagalakan ng pagiging anak ng Diyos at hindi lamang dumaan sa "mga ritwal na pangrelihiyon" na walang kabuluhan sa atin bukod sa bahagi na ito ng tradisyon ng ating pamilya. Dalangin ko na ngayon ay magpakumbaba ka at hanapin ang Diyos nang buong puso mo upang tunay mong mahanap at maranasan Siya sa iyong buhay.
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Urdaneta City,Pangasinan, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)